Friday , November 22 2024
Mocha Uson Drew Olivar
Mocha Uson Drew Olivar

Mocha, blogger inasunto sa sign language video

SINAMPAHAN ng kaso nitong Huwebes ng mga miyembro at kaalyado ng komunidad ng Persons With Disabilities (PWD) sina Communications Assistant Secretary Mo­cha Uson at blogger na si Drew Olivar dahil sa isa nilang video na ginaga­wang katatawanan ng dalawa ang paggamit ng sign language.

Sa kaniyang affidavit, sinabi ni Carolyn Dagani, pangulo ng Philippine Federation of the Deaf, na “vulgar” o pambabastos at nagpakita ng masa­mang halimbawa si Olivar habang nag-iimbento ng mga kilos ng kamay sa video.

“Mocha Uson and Drew Olivar were laugh­ing and making fun of us. Together, they stepped all over us and crushed us, killing our dignity,” sabi ni Dagani.

Ayon kay Dagani, dapat magbitiw o sibakin sa puwesto si Uson.

“Maybe resign, taken out of the position, whatever,” pahayag ni Dagani sa pamamagitan ng interpreter.

Habang sinabi ni Philippine Deaf Resource Center Executive Director Liza Martinez, isa pang nagreklamo, may ilang lokal na batas na maaa­ring magamit laban kina Uson at Olivar.

Kabilang aniya rito ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Civil Code, Cybercrime Law at ang Magna Carta on Disabled Persons.

“Mayroon kasing specific section doon regarding the ridicule of persons with disabilities,” sabi ni Martinez.

Samantala, pinaalala­hanan ni Lauro Purcil, convenor ng Philippine Coalition on the United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities, si Uson na maging mabuting halimbawa sa iba lalo at isa siyang opisyal ng gobyerno.

“Siya ay government high-ranking official at siya ay dapat magbigay ng tamang halimbawa at tamang impormasyon na may paggalang sa tao, sa mga kapwa namin may kapansanan,” ani Purcil.

Bukod sa reklamo dahil sa video, may ilan pang reklamo laban kay Uson sa Ombudsman na isinampa ni Sen. Antonio Trillanes dahil sa umano ay pagpapakalat niya ng mga pekeng balita at pagtatanghal sa isang casino.

Sa isang video na ibinahagi ni Uson noong nakaraang Huwebes, ma­papanood si Olivar na mistulang nagsa-sign language at gumagawa ng mga tunog, na tila paggaya sa mga taong may kapansanan sa pagdinig.

Habang maririnig na tumatawa sa likod ng kamera ang pinanini­walaang si Uson.

Umani ng batikos ang video mula sa netizens, mga grupo ng PWDs at maging sa mga mamba­batas.

Bagaman humingi ng tawad sina Uson at Olivar, sinabi ni Dagani na hindi ito tanggap ng kanilang komunidad.

“There are so many deaf people I have asked and they would not accept,” sabi ni Dagani.

Noong nakaraang buwan, nasangkot sina Uson at Olivar sa isang kontrobersiyal na video ukol sa pederalismo tampok ang ‘malaswang’ pag-awit at pagsasayaw ng “pede-dede-ralismo” habang itinuturo ang maseselang bahagi ng katawan ng babae.


Ombudsman hahayaan ng Palasyong sibakin si Mocha
Ombudsman hahayaan ng Palasyong sibakin si Mocha

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *