Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Budget insertion uso pa pala ‘yan?!

PAGKATAPOS ang balitang tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara, pumutok din ang isyu ng budget insertion na umaabot sa P50 bilyones.

Dahil wala nang ‘pork barrel’ ang mga mambabatas, may henyo yatang nakaisip na ipasok ito sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero piling-pili at iilan lang ang makakukuha.

Pero dahil nasilip ito ni Rep. Rolando Andaya. Jr., dating Department of Budget Management (DBM) secretary noong panahon na pangulo pa si GMA, biglang nagkagulo sa Kamara.

Nagkaroon ng mga bantang ‘kudeta’ na naman sa Kamara pero sa huli, napayapa rin ito.

Hindi natin ma-imagine kung ano ang itsura ng mga mambabatas kapag pera o budget ang pinag-uusapan.

Hindi lang parang nanonood ng basketball sa higpit ng bantayan kundi tiyak wala pang tulugan.

Sa pamamagitan ng amyenda sa House Bill (HB) No. 8169 natahimik ang mga mambabatas dahil ipamamahagi ang nabistong P50-bilyong ‘isiningit’ na budget sa iba pang distrito imbes sa iilan lang.

‘Nakatago’ umano ang nasabing ‘singit’ na budget sa Department of Public Works and Highway (DPWH) at nakalaan lang sa 40 distrito kaya sa pamamagitan ng Committee Report No. 854 inamyen­dahan ang P3.757-trillion national budget para mapakinabangan nang lahat.

Pero ang higit na ipinagtataka natin dito, hanggang ngayon pala ay nakalu­lusot pa ang budget insertion?!

Wattafak!

Kailan kaya makokonsensiya ang mga mam­babatas kapag budget na ang pinag-uusapan?

Tsk tsk tsk…

BUREAU OF IMMIGRATION
ISO-CERTIFIED NA!

SA nakaraang ika-78 anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI), naging highlight ang paggawad sa ahensiya ng certification from ISO 9001:2008 to ISO 9001:2015 version.

Ito ay natatanging parangal para sa pagkaka­roon ng “quality standards” sa “entry and exit formalities” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang ISO certification ay isang katiba­yan ng pagkilala sa buong mundo sa isang ahensiya na gaya ng BI o ‘di kaya ay sa mga kompanya na nakapagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyo sa kanilang mga kostumers o parokyano at batay rin sa kanilang pangangailangan.

Ang naturang katibayan na iginawad sa BI ay kasabay ng nakaraang ika-78 anibersaryo kaya naman buong pusong pinasalamatan ni BI Commissioner Jaime Morente ang lahat ng mga empleyado na naging katuwang sa natatanging pa­rangal.

Ayon sa kanya, “It is through the efforts of the valiant men and women of the BI that we have transitioned to ISO 9001:2015. This shows that the quality of our service is indeed world class.”

Dati nang kinilala ang immigration bilang pinakauna sa mga ahensiyang nasa ilalim ng Department of Justice na ginawaran ng ISO 9001:2008 certification noong 2016. Ito nga ay nagkaroon ng transition bilang ISO 9001:2015 version kasama ang mataas na serbisyo sa “extension of stay for Temporary Visitor’s Visa para sa Tourist Visa Section.”

Pinuri rin ni Commissioner Morente ang iba pang achievements ng ahensiya kabilang ang paglulunsad ng “E-Gates” sa ilang paliparan.

Ang mga E-Gate sa airports ay nagpa­pagaan sa mabilisang assessment ng mga pasahero na dumaraan rito. Special mention din ni Commis­sioner ang con­tinuous drive ng Kagawaran sa paghuli sa illegal aliens at foreign fugitives na nanini­rahan sa bansa.

Isang magandang atmosphere ang naram­daman sa Bureau of Immigration ngayong taon, isang pangyayari na tata­tak sa isip nang marami.

Hindi tulad noong nakaraang adminis­trasyon na naging panauhing pang-hangal ‘este pandangal nga ang dating Pangulong Noy-Panot na minsan lang pumunta sa BI ngunit malutong na sermon pa ang ipinukol sa Bureau!

Para sa lahat nang bumubuo ng Bureau of Immigration, isang malaking SALUDO ang aming ipinaaabot sa inyo!

Mabuhay po kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *