LAST September 6, pormal nang ipinakilala ng Bayer si Marian Rivera bilang bagong ambassador o endorser ng produkto nilang Canesten na ilang dekada na sa merkado. At ang malaking factor kung bakit si Marian, ang napili ng mga taga-Bayer, bukod kasi sa very effective na endorser ang sikat na Kapuso actress/host ay totoo siya sa kanyang sarili. Ang ibig nilang sabihin, ginagamit talaga ni Marian ang lahat ng mga product na kanyang ipino-promote.
Yes sa nasabing presscon ay sinabi ni Yan Yan sa harapan ng ilang mga close na reporter na always siyang may bitbit na Clotrimazole (Canesten) cream sa shooting sa movie at mga taping niya sa teleserye o TVC. Proteksiyon daw kasi niya ito laban sa gamot at ayaw niyang mabiktima ng sakit na dengue. Pero hindi naman daw siya umabot na magkaroon ng fungal infection tulad ng buni. ‘Yung mga kaibigan daw niyang nasa showbiz at outside showbiz ay inirerekomenda niya ang Canesten na mabisang gamot sa mga Buni, An-An, Hadhad, and Alipunga.
“Hindi ako nahihiyang ipakita ‘yung totoong ako sa mga tao lalo sa fans ko. Noon pa man, noong nag-uumpisa palang ako sa showbiz, people saw the real me and maybe kaya ganoon na lang ang pag-embrace nila sa akin,” sey pa ni Marian sa kanyang press conference na ginanap sa Bonifacio Hall ng Shangri-la The Fort.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma