Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Tserman itinumba sa La Union

PATAY ang isang 63-anyos barangay chairman ng Brgy. San Jose sa Rosario, La Union, nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng SUV, nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ng pu­li­sya, nakiki­pagkuwen­tohan ang biktimang si Ruben Genetiano sa tapat ng bahay ng kamag-anak sa katabing-bayan ng Pugo, nang bumaba ng sa­sakyan ang tatlong gun­man at malapitan siyang binaril.

Kabilang sa drug watch list si Genetiano. Nitong Hulyo, inaresto siya makaraan umanong makuhaan ng droga ang kaniyang bahay, ngunit nakapagpiyansa siya kinabukasan.

Gayonman, hinihinala ng kaniyang mga kaanak na politika ang motibo sa pamamaril dahil may nakaalitan umano ang biktima noong nakaraang barangay elections.

May nauna pa ani­lang pagtatangka sa buhay ni Genetiano, ngu­nit nabigo ito.

“Hindi pa rin nila tinigilan hanggang ma­pa­tay nila,” kuwento ng ka­niyang anak na hu­miling na huwag panga­lanan.

Habang sinabi ng pu­lisya na masusing iniim­bestigahan ang posibleng motibo sa krimen.

Dating nanilbihan si Genetiano bilang bara­ngay kagawad nang anim na termino. Pangalawang termino na niya bilang punong barangay nang mangyari ang krimen.


Sa Maynila: Kagawad natagpuang patay sa bahay
Sa Maynila: Kagawad natagpuang patay sa bahay
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …