Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chloe Sy Belladonnas Piolo Pascual
Chloe Sy Belladonnas Piolo Pascual

Chloe Sy ng Belladonnas, type ‘makalampungan’ si Piolo Pascual

OKAY lang daw kay Chloe Sy na magpa-sexy sa pelikula basta kailangan sa istorya. “Opo, game naman po akong magpa-sexy sa pelikula. Kasi dream ko po talaga ang maging artista, kaya determinado po talaga ako,” saad niya.

Si Chloe ay isa sa member ng fast rising all-female group na Belladonnas. Ang iba pang kasama niya rito ay sina Quinn Carillo, Rie Cervantes, Xie Fabricante, Jazzy Dimalanta, Phoebe Loseriaga, at Tin Bermas.

Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy? “Depende po sa mapag-uusapan, two piece, love scene… kaya ko naman po. Bale, part lang naman po kasi ‘yun ng trabaho,” anang 18 year old na dalaga.
Si John Lloyd Cruz daw ang pinakaseksing aktor para sa kanya, pero ang dream niyang maka-love scene kung sakali ay si Papa P.

“Si Piolo Pascual po! Hahaha!” Pabungisngis na sagot ni Chloe. “Crush ko po kasi si Papa P e, at tingin ko’y siya ang actor na pinaka-yummy talaga. Iyong tipo ni Piolo ay ‘yung makalaglag panty po talaga, e,” nakangiting saad ni Chloe.

Very soon ay mapapanood si Chloe at ang Belladonnas sa pelikulang ‘Kodep’ na pinamahalaan ni Direk Neal Tan. Ito ay prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Carillo at kasama rin sa pelikula ang Clique V.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Rocky Gutierrez, sales distributor ng Hokkaido Tracks Resort
Rocky Gutierrez, sales distributor ng Hokkaido Tracks Resort
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …