Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Enriquez
Mike Enriquez

Mike, babalik ng GMA pagkatapos maoperahan

NAKA-MEDICAL leave pala si Mike Enriquez kaya hindi siya napapanood sa GMA news o naririnig sa DZBB. Ito ang inihayag niya kamakailan.

Aniya, ginagamot siya sa kanyang karamdamang kidney na minana sa kanyang ama at sasailalim sa operasyon sa puso sa September.

“Ayon sa aking mga doktor, makababalik ako sa aking normal na trabaho, mga dalawa o apat na linggo pagkatapos ng operasyon. Pinayuhan akong magpahinga, magpalakas para makaiwas sa anumang emergency hanggang ako ay maoperhan na.”

Bagamat hindi nakakapag-news, natutupad pa rin niya ang pagiging Presidente ng RGMA Network bilang consultant.

“Nagpapasalamat po ako sa mga suporta lalo na sa mga nagdarasal sa aking paggaling. Magagaling at maalaga ang aking mga doktor at napakabait po at mapagmahal ng Poong Maykapal. Babalik po ako,” pangwakas nito.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …