Monday , November 25 2024

Isyu ng kuropsiyon sa AFPMC, tapusin na!

DAPAT nang matuldukan ang isyu ng kuropsiyon sa Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) dahil ang kawawa rito ay mga sundalo na handang magbuwis ng buhay para sa mamamayan at bansa. Imbes mabigyan sila ng sapat na lunas gaya ng libreng gamot para sa malubhang sugat dahil sa pagtatanggol sa bayan ay sila pa ang nadudugasan ng ilang tiwali na dapat magkalinga sana sa kanila sa loob ng ospital.

Panahon na para tagpasin ni Pangulong Duterte ang sungay ng mga kawatan sa AFPMC, mapa-opisyal man o empleyadong sibilyan na kasama sa sistematikong kurakutan.

Kung hindi pa naging Pangulo si Duterte, at Commander-in-Chief ng AFP, palagay ko’y ‘forever na’ ang bulok na sistema sa naturang ospital. Malaking bagay din ang kooperasyon ni AFP chief General Carlito Galvez, Jr., para matutukan na ang pagbuwag sa sindikato kahit ang masasagasaan ay mga opisyal na malapit sa poder.

Dahil sa pagkakasiwalat ng “Pandora’s box” sa AFPMC, dapat din magbantay ang mamamayan para agad mapuna sakaling ‘i-cover up’ ang ginagawang imbestigasyon at sa bandang huli ay maabsuwelto ang mga nasasangkot. Napakahalaga din na isapubliko ng Palasyo ng Malakanyang at ng AFP ang listahan ng mga nasasangkot baka kasi mas marami ang “fall guys” at wala ang mga tunay na salarin.

Marami ang nagsasabi na hindi lamang milyones kundi bilyones umano ang nawawala sa kaban ng AFP­MC dahil sa mga kawatan. Ka­da­lasan, overpricing sa pagbili ng medi­sina at mga kaga­mitan ng opsital ang isyu. Minsan overpricing din sa proyekto gaya ng konstruksiyon at kung ano-ano pa.

Sa gina­ga­wang imbes­ti­ga­syon, palagay ko dapat balikan ang mga nakaraang administrasyon ng AFPMC dahil halos lahat ay swak sa isyu. Dapat maging komprehensibo ang imbestigasyon para matukoy ang ugat ang “web of corruption” sa naturang institusyon at matigil na ito. Sa totoo lang, marami na ang nasampahan ng kaso, kaugnay dito, sa Ombudsman pero kadalasan ay absuwelto.

Ang AFPMC ay nasa hanay na ng mga premyadong ospital sa bansa dahil matagal-tagal na rin itong naghahangad ng mga makabagong kagamitan, na maging tuloy-tuloy ang proseso ng modernisasyon. Ang siste, eto nga’t nahahaluan pa rin ng kurakutan.

Teka, ang sabi ng ilan ay wala pa naman umanong natatanggap ang pamunuan ng AFPMC hinggil sa buwanang P50 milyon na iniaayuda ng Duterte administration para sa institusyon upang lalong mapagbuti ang serbisyo nito sa mga bayaning sundalo. Kung totoo ito, e saan napupunta ang pera? Sa ilang bahagi ng paha­yag kamakailan ng Pangulo, napahapyawan niya ang naturang pondo sa hangand niyang pakikinabangan ito ng mga sundalo lalong-lalo na ang mga nakikibapaglaban sa terorismo.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *