Saturday , April 5 2025
rape

Lady welder ginahasa ng laborer

NILASING muna bago pinagsamantalahan ang isang babaeng welder ng isa sa itinuring niyang mga kaibigan sa Navotas City, kahapon ng mada­ling-araw.

Nakapiit sa Navotas police detention cell ang suspek na kinilalang si John Robert Neosana, 21, construction worker, residente sa Block 6, Lot 18, Ignacio St., Bacog, Brgy. Daanghari, ng nasabing lungsod, na naha­harap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

Sa tinanggap na ulat ni Navotas police deputy chief for administration, Supt. Ferdinand Balgoa, inimbita ng kanyang mga kaibigan ang biktima na itinago sa pangalang Shee­na, 21-anyos, sa inoman sa Block 7, Lot 30, Ignacio St., kamakalawa ng gabi.

Dahil mga kaibigan ang nag-imbita ay pina­unlakan ni Sheena sa paniwalang hindi siya malalagay sa kapaha­makan.

Makaraan ang maha­bang inoman, nalasing at nakatulog ang biktima sa bahay ng kaibigan hang­gang magising pasado 12:00 am nang maram­damang may nakapatong sa kanyang katawan at wala na siyang saplot.

Dahil sa labis na kalasingan, hindi naka­panlaban ng biktima kaya’t nailugso ng suspek ang kanyang puri.

Makaraan ang panghahalay, humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na sina Florencia Saguman, Eusema Delima at Danilo Basal na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Chavit Singson Richelle Singson Ako Ilokano Ako Partylist

Ako Ilocano Ako Partylist suportado ng Transport groups

MAHIGIT 300 kinatawan mula sa mga pangunahing grupo ng transportasyon—kabilang ang Stop and Go Transport …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *