Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pamilya Villar interesado bang makopo ang Boracay?

NAGDUDUDA tayo na ang mga Villar ay isa na sa pinakamayamang pamilya sa bansa.

Bakit ‘kan’yo?

Para kasing hindi sila nasisiyahan kung ano ag mayroon sila ngayon at target yatang kopohin din ang Boracay.

Mahigpit ang ginagawang monitoring ni Senator Cynthia Villar bilang chairperson ng Senate committee on environment and natural resources.

Sabi niya mismo, gusto nga raw nila, buwan-buwan ay may hearing sa Senado para nalalaman nila kung ano na ang development sa ginagawang paglilinis.

Heto pa ang hirit, kung siya raw ang presidente, magre-resign siya kapag hindi naging maayos ang paglilinis sa Boracay.

Ano ba itong mga pahayag na ito? Hugot o statement?

Kung totoong concern si Senator Cynthia sa paglilinis sa Boracay bakit hindi niya ipadala ang sandamakmak nilang mga ‘contractor’ nang sa gayon ay makatiyak siya na magiging malinis ang Boracay?!

Nagtaka naman tayo sa biglang pagbabago ng tono ni Madam Cynthia. Kailan lang e tuwang-tuwa pa siyang ibinabalita na ‘yung machine daw para sa paglilinis na nakalaan sa Las Piñas ay ipagkakaloob na nila sa Boracay.

E bakit ngayon, parang mainit na ang ulo ni Madam Senator?!

Ano ba ang ipinasesentir ni Madam?! Mayroong bang ‘proyektong’ hindi naaprobahan?!

Arayku!

Pero may isa pa tayong nasilip…

Sabi ni Madam, paano daw masisiguro na matatapos ang pagsasaayos ng Boracay sa loob ng anim na buwan e ‘yung ‘water utilities’ nga raw, hindi pa nareresolba.

Ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at ang National Water Resources Board (NWRB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nag-aagawan o naggigiitan sa regulasyon at awtoridad sa water conces­sionaires.

Sabi ni Madam Villar hindi pa raw fully solved dahil ang dalawang water concessionaires — ang Boracay Island Water Company Inc., at Boracay Tubi System Inc., ay hindi pa naghahati ng kanilang mga teritoryong nasasakupan.

Sila ang magsu-supply at sila rin ang mamamahala para i-dispose ang wastewater from.

Ang taray ng tanong: “If you cannot resolve this issue, how can you open in six months?”

I smell something fishy here…

‘Prime’ question ba ‘yan Madam Senator? O gusto ninyong ipasok ang ‘Prime Water’ sa Boracay?!

“Diyos ko Lord!” sabi nga ni Kaladkaren Davila.

Hind pa nga ninyo naayos ang mga lugar sa Bulacan na kinopo ninyo ang water district sa pamamagitan ng pag-aari ninyong Prime Water, manghihinasok pa kayo sa Boracay?!

‘Yung San Jose del Monte, Bulacan na may pinakamaayos at pinakamalinis na serbisyo ng tubig mula sa water district na napunta sa Prime Water, biglang  nagka­letse-letse ang supply ng tubig ng mga residente, ngayon pati Boaracay panghi­himasukan ninyo?!

Sonabagan!

‘Yung mga subdivision ninyo sa Cavite na ang water system ay Prime Water, bulok ang tubig, mabantot, marumi at mabaho, tapos manghihinasok kayo sa Boracay?

Hindi lang ‘yan, bulok na ang serbisyo, ang mahal pa ng singil!

Wattafak!

Dati lupa lang ang nenegosyo ninyo, real estates tapos pumasok kayo sa tubig. Baka sa susunod, pati hangin ay kontrolin na ninyo pamilya Villar?!

Baka sa susunod, bumili na kami ng hangin sa inyo?!

Aba, hindi lang moderate, control your greed naman pamilya Villar!

‘BATO’ SA 2019
ELECTIONS
HINDI  KAYA
MAGING BATO
ANG BOTO?

NAGULAT tayo nang makita natin sa line-up ang pangalan ni dating PNP chief, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saan kaya nanggaling ang lakas ng loob ni Gen. Bato?

Kay Pangulong Digong?!

Hindi kaya naiisip ni Gen. Bato na walang natuwa sa maraming patayan na naganap sa ilalim ng kanyang termino bilang PNP chief?!

At sa kabila ng mga patayan na ito, hindi na­man natapos ang problema sa ilegal na droga.

Ngayon nga ay tila lumakas pa ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa.

Wala naman kasing napatay na big time drug lord maliban sa erpat ni Kerwin at ang mga Parojinog sa probinsiya.

Sa Metro Manila, pawang ‘small fish’ lang at karamihan ay mga kabataan pa ang natokhang.

Tsk tsk tsk…

Tapos ngayon kompiyansa si Gen. Bato na iboboto siya ng maliliit nating mga mamamayan?!

Hindi kaya ‘bato’ ang makuha ninyong boto Mr. General?!

Baka may ibang ‘career’ pa Mr. General, may panahon ka pang umatras…

‘Wag din masyadong mangarap…

Hik hik hik!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *