Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNT Boys, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids

READ: Joel Cruz, pinaratangang tax evader

HINIRANG na pinakabagong Grand Winner ng Your Face Sounds Familiar Kids ang worldwide sensation na TNT Boys matapos nilang pahangain ang mga juror at manonood para sa kanilang transformation bilang Jessie J, Ariana Grande, at Nicki Minaj sa grand showdown noong Linggo (Agosto 19).

Ang performance ng bigshot trio ng hit song na Bang Bang ang nakakuha ng pinakamataas na pinagsamang scores mula sa jury at public text votes na 100%. Tinalo rin nila ang pito pang katunggali na kiddie performers.

Bilang premyo, nag-uwi sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion ng P1-M, house and lot, at gadget showcase.

Nakuha naman ni Onyok Pineda ang second spot para sa kanyang performance bilang Steven Tyler at nagkamit ng average score na 67.59%. Sinundan siya ni Esang De Torres na ginaya si Barbra Streisand at nakakuha naman ng 58.52%.

Samantala, tinutukan naman ng mga manonood ang naganap na grand showdown ng kiddie performers ngYFSFK matapos itong magkamit ng national TV rating na 36.5% noong Sabado (Agosto 18), laban sa The Clash(18.9%), ayon sa datos ng Kantar Media. Ito rin ang pinakapinanood na palabas noong Linggo (Agosto 19) sa pagtala nito ng 37.1%, kompara sa katapat nito na nakakuha ng 18.4%. Sa darating na weekend (Agosto 25 at 26), muli namang magsasama-sama para sa isang all-star concert ang lahat ng naging performers ng Your Face Sounds Familiar sa parehong regular at kids seasons nito. Abangan ang kanilang transformations na tiyak muling magpapamangha sa mga manonood.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …