READ: The Day After Valentine’s, level-up performance ni JC Santos
HINDI napigil ng malakas na ulan at baha ang album launching ng all-female group na MNL48 noong Biyernes na ginawa sa bagong-bagong Movie Stars Café sa Centris EDSA, Quezon City.
Ang MNL48 ang kauna-unahang Filipina idol group na nabuo sa isang reality talent search sa It’s Showtime na itinanghal na “queen” si Shekinah Arzaga. Ang grupo ang counterpart ng sikat na sikat na AKB48 ng Japan bukod pa sa mga grupong binuo sa Thailand, Indonesia, at Taiwan sa ilalim ng Hallohallo Entertainment.
Mala-Hollywood ang nangyaring launching na ipinarinig ng grupo ang kanilang debut single under Star Music, ang Aitakatta – Gustong Makita na local version ng big hit na Aitakatta ng AKB48.
Magiging bahagi ang Aitakatta – Gustong Makita ng debut album ng MNL48 na ipinrodyus ng Star Music. Binubuo na ang album na iri-release sa 2019. Bukod dito, nagpatikim din ang grupo ng sneak peek sa soon-to-be released music video ng Aitakatta.
Kinunan ang music video sa ilang lugar sa Intramuros, Manila at sa Manila Bay para ipagmalaki na rin sa iba’t ibang panig ng mundo ang local historical places ng Maynila.
Anang isa sa grupo ng MNL:48, “It was inspired by the original music video of AKB48’s ‘Aitakatta – Gustong Makita, para ibandera sa mga Pinoy kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging ‘idol’.”
Bukod sa Aitakatta – Gustong Makita ng MNL48, makakasama rin sa debut album nila ang Sakura no Hanabiratachi – Talulot ng Sakura at Skirt Hirari – Umiindak na Saya, at may bonus pang instrumental versions ng tatlong kanta.
Para sa lahat ng fans ng grupo, tumutok lang sa kanilang live daily online show, ang MNLife at MNLife, sa MNL48’s official Facebook page (@mnl48official) at YouTube Channel (MNL48), tuwing 6:00 p.m.. Host dito ang Hashtag members na sina Luke Conde, Maru Delgado, Nikko Natividad, at Zeus Collins. Napapanood ang MNLife tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes at tuwing Martes, Huwebes, at Sabado naman ang MNLaugh.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio