Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P125-M smuggled rice nasabat ng Customs

IPINAKIKITA ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña ang 20 footer cointainer van na naglalaman ng 2,500 sako ng bigas, tinatayang P125 milyon ang halaga, mula sa Thailand, makaraan maharang sa Manila International Container Port (MICP), kasama si BOC-CISS-MICP Supervisor Alvin Enciso. (Bong Son)

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) ang P125 milyong halaga ng smuggled rice sa Manila International Container Port (MICP) nitong Lunes.

Ang 50,000 sako ng bigas ay mula sa Thailand at iprinoseso ng customs broker na si Diosdado Santiago. Dumating ito sa bansa noong 14 Hunyo nang walang kaukulang import permit mula sa National Food Authority (NFA), ayon kay BoC Commissioner Isidro Lapeña.

Ang kargamento ay naka-consign sa Sta. Rosa Farm Products Corp., ang rice importer na may nakabinbing kaso sa Department of Justice dahil sa umano’y pag-import ng 200 container van ng bigas nang walang kaukulang dokumento, ayon kay Lapeña.

Susuriin ng NFA ang kompiskadong bigas upang mabatid kung ito ay ligtas kainin.

“Once the NFA is done with the examination and has issued report and recommendation as to the price, we will auction the goods immediately because of its perishable nature. The proceeds of the auction will be held in escrow pending final reso­­lution of seizure and aban­donment pro­ceedings,” ayon kay Lapeña.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …