Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kadamay sinisi sa madugong NutriAsia strike

READ: Sabwatang goons at pulisya, pekeng akusasyon ginamit kontra NutriAsia workers — CTUHR

SINISI ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang militanteng grupong Kadamay sa naganap na madugong dispersal sa piketlayn ng mga manggagawa ng NutriAsia Inc.

“Mayroon nang ongoing conciliation. Nagkagulo dahil pumasok ‘yung Kadamay. Hindi naman workers ‘yun. Hindi Nutri­Asia ‘yun. Kadamay ang puma­sok diyan,” ayon kay Bello sa panayam sa Palasyo kahapon.

Matatandaan, 19 katao ang inaresto at 30 ang nasugatan sa magkabilang panig nang sumiklab ang karahasan sa piketlayn ng mga obrero noong Lunes.

Ang pahayag ni Bello ay taliwas sa pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na naging madugo ang welga ng mga obrero nang marahas na pasukin ng 100 security guards at 30 pulis ang piketlayn matapos idaos ang ecumenical prayer bilang suporta sa mga mangga­gawa. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …