Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Tserman tigbak sa ratrat ng tandem

PATAY ang barangay chair­man makaraan pag­ba­barilin ng riding-in-tandem sa harap ng ba­rangay hall sa Tondo, Maynila, nitong Miyer­koles ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang bik­timang si Joseph Mo­ran, nasa hustong edad, at bagong halal na kapi­tan ng Barangay 100, Zone 8, sa Tondo, Maynila.

Base sa initial na ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril pasado 7:00 ng gabi na agad ikina­matay ng biktima bunsod ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa imbesti­ga­syon ng MPD Station 1, nakita sa CCTV ng bara­ngay ang pamamaril ng isang lalaking maskarado at may talukbong na bim­po sa ulo at pagkaraan ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklong minama­neho ng kanyang kasama.

Nahagip din sa CCTV nang sinubukang tumak­bo papalayo ng biktima habang binabaril ng sus­pek.

Kasalukuyang nagsa­sa­gawa ng mala­limang imbestigasyon ang pu­lisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at posibleng moti­bo sa krimen.

Matatandaan, noong nakaraang taon ay pi­naslang din ang dating kapitan sa naturang ba­rangay. Samantala, inaa­lam pa kung sino ang ha­ha­lili bilang bagong kapi­tan ng Barangay100 ngu­nit po­sibleng ang bara­ngay ka­gawad na kaanak ng na­pas­lang na dating ba­rangay chairman na si Kapitan Carpio. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …