Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, malaki ang iniambag sa costume ni Hammerman

MALAKING bahagi ang input ni Alden Richards sa pagpili ng costume ni Hammerman, ang persona ni Victor Magtanggol kapag superhero na.

“’Yung costume po, roon po ako nagkaroon talaga ng malaking ambag.

“Kasi nakailang revisions po kami ng costume bago po…

“Mga tatlong po (revisions), bago po namin narating itong final costume ko so, marami na pong naging improvements and adjustments from the first one.

“And nakatutuwa po kasi parang umaabot na po ako minsan sa kahit sa sarili ko po na parang, ‘Makulit na ba ako masyado?’

“Pero andiyan pa rin po talaga ‘yung team namin na very understanding, even ‘yun po, si Edrian kanina, siya po ‘yung nagde-design ng costumes, ng mga monster, lahat ng effects.

“Ano po siya, willing to adjust po talaga siya, kasi siyempre po, itong ganitong mga proyekto, bihira lang ibigay sa isang lifetime. So talagang ‘yung efforts ko po para mapaganda ‘yung show, in my own creative way, ibubuhos ko po lahat dito sa show na ito.”

Si Edrian Baydo ang costume designer ng Victor Magtanggol.

Nasa sixty percent naman ang input ni Alden sa paglikha ng kanyang costume bilang si Hammerman.

“Kasi gumagawa po si Edrian ng concepts, ng mga hitsura, ng mga costume, and then ipasusukat po sa akin.

“Siyempre po ‘pag hindi maganda ipare-revise po ulit, gagawa na naman po si Edrian ulit ng panibago and then ang final arrangement po na inayos namin was pinagsama-sama po namin ‘yung mga design from the first draft, hanggang sa ito na po ang naging hitsura.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …