Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis timbog sa pananakit, death threat sa 2 binatilyo

DINAKIP ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pulis-Pasay na uma­no’y nanakit at nagbantang papatayin ang dalawang binatilyo nitong Linggo.

Kinilala ang pulis na si Senior Police Officer 2 Randy Fortuna ng Pasay Explosive Ordnance Dispo­sal.

Inireklamo si Fortuna dahil sa umano’y pagmu­mu­ra, pananampal at pagbaban­ta ng kamatayan sa dala­wang binatilyo sa loob mis­mo ng tanggapan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

May edad 17 at 18 an­yos ang mga biktima, kapwa anak ng non-uni­formed personnel ng NCRPO.

Ayon sa mga biktima, pinagbintangan sila ng suspek na nagnanakaw sa quarters ng Southern Police District.

Habang ayon kay Fortuna, sinabihan niya lang ang mga binatilyo at ang tanging mali niya lang umano ay nakainom siya.

Samantala, nanawagan si NCRPO director, C/Supt. Guillermo Eleazar sa publiko na huwag mag-alinlangang isumbong sa kanila ang mga pulis na sangkot sa ano mang katiwalian o pang-aabuso. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …