Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sulat ni Quimbo tinanggap ni SGMA

READ: Andaya, bagong majority leader: Suarez nanatiling Minority leader

NAUNA rito, tinanggap ng opisina ni House Speaker Gloria Macapa­gal Arroyo ang liham ni Marikina Rep. Miro Quim­bo tungkol sa kabu­uan ng minorya sa Kama­ra.

Umabot sa 22 ang nakalista bilang miyem­bro ng minorya.

Ilan sa mga kasama sa listahan ay sina representatives Francis Abaya ng Cavite; Kaka Bag-ao ng Dinagat; Teddy Brawner Baguilat ng Ifugao; Jorge Bolet Banal ng Quezon City; Kit Belmonte ng Quezon City; Christopher de Venecia ng Pangasinan (anak ni dating speaker Jose De Venecia); Edcel Lagman ng Albay; Antonio Tinio ng ACT Teachers party-list; si Isagani Zarate ng Bayan Muna;  Tom Vil­larin ng Akbayan; at Jose­phine Sato ng Occidental Mindoro.

Pito sa 22 miyembro ay nag-apply para maka­sama sa minorya.

Ayon kay Quimbo na itinalaga ng grupo bilang minority leader, ang pito ay tinanggap bilang miyembro sangayon sa Rule 2 Section 8 ng Rules of the House.

Wala pang sagot si Arroyo kay Quimbo.

Ngunit may hinala ang ilan sa mga kongre­sista na mabibigo ang grupo nina Quimbo sa grupo ni Quezon Rep. Danilo Suarez na ayaw umalis sa puwesto niya sa minorya.

Kinuwestiyon nina Quimbo ang pakay ni Suarez na manatili sa minorya sa kabila ng pag­suporta at pagkam­panya para kay Arroyo.

Ayon kay Lagman, umalis nang kusa si Sua­rez sa puwesto niya no­ong sumuporta siya sa pagtatalaga kay Arroyo bilang House Speaker.

Ang lahat ng sumu­porta o bumoto sa Speak­er, aniya ay magi­ging par­­te ng mayorya alin­sunod sa House Rules.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …