Saturday , August 2 2025

Mas marami ang mga gagong pulis na mababa ang ranggo

SUNOD-SUNOD ang mga nakikita ko sa so­cial media, ang mga ga­go at berdugong mga pulis na mababa pa lang ang ranggo ay puro sira na ang ulo. Maangas at mabalasik ang mga aksiyon laban sa maliliit nating mama­­ma­yan. Gaya ng isang PO1 na nanampal ng bus driver. Alibi ng pulis, sa lisensiya umano ng dri­ver ay may nakasingit na P100 na lukot kaya ‘di niya napigil ang kanyang sarili. Kung may katotohanan ang alibi na ito ng pulis-Parañaque, paano niya mapasisinungalingan ang voice clip ng video sa social media, dinig na dinig ang salita ng pulis na pilit kinukuha ang lisensiya ng bus driver dahil gustong makita kung may driver’s li­cense nga.

Nang maa­gaw ni pulis ang lisensiya at nakita na mayroong driver’s license si bus driver ay hinampas sa mukha… napahiya si pulis kaya muli niyang isinampal sa mukha ang kawawang bus driver na halos umuga ang mga ngipin.

***

Kung may katotohanan na may nakaipit na lukot na P100 sa lisensiya, dapat si pulis ay kinasuhan si bus driver ng kasong bribery… ngunit sa video ng isang netizen ay walang pagtatalo sa pagitan ng pulis at ni bus driver na may kaugnayan sa P100 na umano ay isinusuhol ni bus driver.

Berdugong pulis kaya tama lang ang desis­yon at aksiyon ni P’que police chief S/Supt. Victor Rosete. Ang mga ganyang uri ng pulis na nasa mababang ranggo pa lamang ay dapat sibakin!

***

Sa social media pa rin, may post na ang isang pulis ay ipinosas sa manibela ang isang jeepney driver. Dinig na dinig ang mga boses ng mga pasahero na awang-awa sa drayber. Mistulang kriminal na ipinosas si jeepney driver at naging viral ito sa social media.

***

Sa mga balita, mara­ming pulis na pawang nasa mga ranggo ng PO1, PO2, at PO3 ang madalas nasasangkot sa iba’t ibang krimen. Nararapat siguro na higit pang paigtingin ng pamunuan ng Philippine National Police ang trai­ning ng mga gustong magpulis.

‘Yung hindi nila maisip na gumawa ng mali dahil dumaan sila sa napakahirap na pagsa­sanay. Sa para­ang ito na doblehin ang hirap ng training ay mauudlot ang masasamang balak. Matututong gampanan ang kanilang tungkulin sa maayos na paraan at base na rin sa kanilang sinumpaang tungkulin, una ay maging makatao sa mga suspek kaya mayroon ta­yong batas. Kaya nga ang mga pulis ay tinawag na alagad ng batas!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY

ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Firing Line Robert Roque

Katawa-tawang boksing nitong Linggo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAHIL mistulang naging kalokohan lang ang boxing match nitong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *