Sunday , December 22 2024

Media Safety chief kinondena ng NUJP

KINONDENA ng National Union of Journalists of the Philippines NUJP Baguio Benguet chapter si Presi­dential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa todong paggamit ng kanyang tanggapan upang maglako ng mga kasi­nu­ngalingan para pilitin ang SunStar Baguio na tanggalin ang isang balita tungkol sa kanya na aniya´y nag­mantsa sa kanyang reputasyon.

Inihayag ito ng NUJP sa isang kalatas kamaka­lawa bilang tugon sa anila’y pambabastos  ni Egco sa isang mamama­hayag sa Baguio na ina­kusahan niyang mali ang ulat tungkol sa pagsu­sulong niya ng Magna Carta for working media.

Ang mga pahayag at gawi ni Egco, giit ng NUJP, ay patunay na hindi siya angkop para mamuno sa isang ahen­siya na may tung­kuling bigyan seguridad ang media.

“We also deplore that he identifies with working journalists and bad­mouths a veteran local media practitioner he accuses of misquoting him. His actions are so unbecoming of a top government official task­ed to ensure media safety and uphold the rights and welfare of media work­ers.  The reaction the go­vern­ment under secretary bemoaningly flaunted in recent interviews on this issue with government media is proof enough for anyone not to trust him in the lead position res­ponsible for media security,” anang NUJP.

Ayon sa NUJP, sa pa­na­yam kay Egco sa isang programa sa government-run radio station, ikinaila niya ang inilathalang balita ni Jonathan Llanes hinggil sa nais niyang Magna Carta for working media, tinawag niyang luko-luko at bugok ang local reporter at sinakyan ng mga naglabas ng kalatas kontra sa isyu.

Ngunit maraming mamamahayag sa Ba­guio ang saksi nang sa­bihin ito ni Egco sa panayam at nai-record nila ang interview sa opisyal, anang NUJP.

Taliwas anila sa pa­hayag ni Egco na inamin sa kanya ng SunStar Baguio na mali ang balita ni Llanes at pumayag na tanggalin ito sa kanilang website, nanindigan ang online news agency na wasto ang ulat ng ka­nilang reporter at hindi nila ito inalis dahil suportado ng wastong pagdokumento.

“NUJP-Baguio Benguet stands by the truth of this story, and with Baguio-Benguet journalists in pursuit of hard facts and accuracy.  It was not a misquote and it could have been some­thing lost in translation or a simple reflection of government line and policy to control what is left of the independence of Philippine press and the people’s right to info­rmation, Press freedom and the Freedom of expression,” sabi ng NUJP.

“Journalists belong nowhere but to the Fourth estate, and they unite to serve the people, serve the  nation,” giit ng grupo.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang unang umalma ang NUJP sa isinusulong na magna carta ni Egco na nagsa­saad na ang mga nais maging mamamahayag sa bansa ay kailangan sumailalim sa pagsusulit tuwing anim na buwan upang malaman ang antas ng kanyang kalipi­kasyon na pagbabatayan ng kanyang sahod.

Anang NUJP, ang magna carta ni Egco ay panghihimasok ng gob­yerno sa propesyon ng pamamahayag na ang tuntungan ay kalayaan.

Giit ng NUJP, ang journalism ay ekstensiyon ng “freedom of expres­sion” at nagsisilbing sagradong karapatan ng mga mamamayan sa impormasyong kanilang kailangan sa pagpapasya sa buhay.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *