Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Kiko, lilipat ng tiket dahil kay Sharon

BAGAMA’T showbiz ang dugong nananalaytay sa ugat ni Sharon Cuneta, sa ngayon ay hindi maikakaila na bahagi ng kanyang pagkatao ay may halong politika.

Mas komplikado nga lang ngayon ang kinasusuungan ni Sharon. Asawa siya ni Senator Kiko Pangilinan na mula sa oposisyon (Liberal Party), pero lantaran ang pagsasabi niyang malapit siya kay Pangulong Digong Duterte (na kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta).

Hindi roon nagwawakas ang kuwento, kaibigan din ng megastar ang anak ni Digong na si Davao City Mayor Sara Duterte.

All this makes for a complicated situation, lalo pa’t ang kuya niyang si Cesar (may palayaw na Chet) na balitang tatakbo bilang alkalde ng Pasay ay posibleng tumiket sa PDP-Laban.

Sa pakikipagmabutihan ni Sharon sa administrasyon ay may espekulasyon na maaaring sa kanilang silid-tulugan ay napag-uusapan nina Sharon at Kiko ang posibleng pagkalas ng mambabatas sa LP upang lumipat sa PDP-Laban.

Magiging conflict of interest nga naman ang gagawing pangangampanya ni Sharon sa kanyang Kuya Chet gayong ang mismong asawa niya’y nasa kabilang partido.

Ang inyong lingkod ay tubong-Pasay na makikipagbanggan si Chet sa kapatid ng incumbent mayor na mamamaalam sa Kongreso.

Totoong malakas na crowd-drawer si Sharon pagdating ng campaign period. Sa rami ng mga kaibigan ni Sharon sa showbiz ay baka sila pa ang mag-alok ng libreng suporta para sa kanyang kuya.

In the meantime, kailangan muna sigurong maresolba kung ano ang magiging desisyon ni Kiko, dahil ang paglipat niya’y nangangahulugan din ng suporta sa kanyang bayaw.

     (RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …