Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jojo at Lovely, magbibigay ng kakaibang kulay sa umaga

ISANG tele-magazine show ang hatid ng tambalang Jojo Alejar at Lovely Rivero ang matutunghayan tuwing Biyernes, 6:00-7:00 a.m., ang Ronda Patrol, Alas Pilipinas sa Umaga handog ng Pilipinas Multi-Media Corporation Inc..

Kumbaga, makakasama na ninyo ang tambalang ito sa inyong pagkakape tuwing umaga.

Layunin ng programang ito mula sa TV5 na ipaalam ang mga nangyayari sa Pilipinas, makatulong, at makapagpasaya.

Kasama rin dito sina Lad Augustin, Loy Oropesa, at Joey Sarmiento.

Ayon kay Jojo, ”Those issues na makatutulong, makapagpapasaya, at makapagpapasagana ng ating kabuhayan ang tatalakayin namin dito.

“Ang maganda pa, we are open to everyone and everything to make the show interesting.”

Sinabi pa ni Jojo na, “In fact ‘yung mga initial na ginawa namin, mayroon kaming guest from the construction industry, from online industry.

We are looking forward to having media people to help us out. So it’s open to everyone.

Masaya naman si Lovely na naging parte siya ng show. “Hosting is something na hindi masyadong alam ng mga tao na ginagawa ko. But it’s something that I love to do.  And I’m so grateful that I’m doing it again now. So thank you to our producers and to Jojo also. Masarap din ‘yung nagho-host kasi iba naman, you learned a lot being host, and of course, you will be able to contribute to the show itself.”

Malaki naman ang tiwala ng Alas Pilipinas Multi Media Corp Inc., kina Jojo at Lovely kaya sila ang kinuha nila dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng vibrant personality, nakakapag-prodyus ng fast-paced environment, at napatunayan na ang pagkakaroon ng strong leadership at social media skills.

Kapaki-pakinabang din ang show dahil bukod sa nakae-entertain, family friendly din ito, educational, informative, at good enhancer. Ilan lamang ito sa mga katangian ng isang show para panoorin at tutukan ng viewers. 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …