Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia Andres magiging kalaban ng Bagani?

LAST week sa July 17 episode ng “Bagani” ay ginulat ni Sofia Andres ang televiewers sa pagbabalik ng kanyang character bilang Mayari na nabuhay mula sa mga patay sa serye. At kung noon ay isa siya sa tagapagtang­gol ng kanilang lahi (taga-laot) ngayon ay isa na si Mayari sa kampon ni Malaya (Kristine Hermosa) na magmula nang malaman ang sinapit ng anak na si Sarimaw (Ryan Eigenmann) sa kamay ng Bagani ay lumabas na ang totoong kulay at nagha­hagsik ngayon ng kasamaan at sumumpang maghihiganti sa itinuturing na mga kalaban (Bagani).

Nag-trending sa Twitter ang hashtag nitong #BAGANIPrOppose, na idineklara ng netizens ang pagkagulat nila sa pagbabalik ni Mayari. Ang inaabangan ngayon ay kung ano ang magiging reaction ng mga Baganing sina Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano), Lakam (Matteo Guidicelli), Dimakulem (Makisig Morales), Liksi (Zaijan Jaranilla) at ang kakampi ng grupo na si Babaylan ng Sinukob na si Gloria (Dimples Romana). Pagkatiwalaan kaya nila si Mayari?

Abangan ang mga susunod na tagpo sa nasabing drama-fantasy series na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …