AMINADO si Sylvia Sanchez na nahirapan siyang gawin ang voice acting. Ito’y sa pamamagitan ng kauna-unahang original Pinoy Anime series na may titulong Barangay 143.
Bale ginamit ang boses ni Sylvia sa Pinoy Anime na aniya’y matagal nang offer sa kanya.
Anang aktres, kakaiba ang proyektong ito kaya naman tinanggap niya. Boses nga naman ang gagana o magbibigay buhay sa mga karakter na gagampanan nila bagamat nagpapakita pa rin iyon ng emosyon.
Ani Sylvia, nahirapan siya sa voice acting dahil hindi niya nakikita ang anime character na kanyang ginagampanan. Kasi nga naman nag-i-invest pa rin siya ng emotion sa role.
Ginagampanan ni Sylvia ang karakter ni Tita Baby na ang istorya ng anime ay umiikot sa pagmamahal sa basketball ng isang batang Koreano na naghahanap sa kanyang ama kaya napadpad sa ‘Pinas.
Bale fisrt time itong ginawa ni Sylvia at naaliw naman siya.
Bukod kay Sylvia, kasama rin na ginamit ang kanilang mga boses sina Cherie Gil, John Arcilla, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Migo Adecer, Paolo Contis at marami pang iba.
Sa Oktubre ipalalabas ang all-original Pinoy Anime series sa GMA 7 na handog ng Synergy88 Entertainment Media Inc., co-produce ng TV Asahi (Japan) at August Media Holdings (Singapore).
“Philippines has a vibrant TV and film industry with a rich culture of storytelling. Right from the onset we were determined develop the show right here so that it captured the essence of life in Manila. I am immensely proud of what we have finally created in Barangay 143,” ani Jyotirmoy Saha, CEO ng August Media Holdings.
Tiyak na mag-eenjoy ang fans sa Barangay 143 dahil hindi lamang ito basta TV series kundi digitally, in print at bilang consumer products.
“Within the series, the comic strip and even the game we have trid to capture the real-life experiences of the Philippines through the art and the sounds,” sambit naman ni Jackeline Chua, managing director at co-founder ng Sungergy 88 Digital. ”With the Barangay 143 Street League we also created a unique experience that helps players compete with friends in cyberspace but get their wins rewarded in the real world.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio