Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Harry & Patty, ginawa para kina Ahron at Kakai

“WALANG ibang choice. Ginawa ang istorya para sa kanilang dalawa.” Ito ang tiniyak at iginiit ni Volta delos Santos, ang sumulat ng script ng Harry & Patty na pagbibidahan nina Ahron Villena at Kakai Bautista. Ito’y handog ng Cineko Productions na ire-release ng Star Cinema at mapapanood na sa Agosto 1.

Sinabi pa ni Volta na nag-iisip talaga sila ng kakaibang putahe, isang rom-com na talagang ibibigay sa mga manonood. Naniniwala silang maraming maio-offer sina Ahron at Kakai kung comedy din lang ang pag-uusapan.

“’Yung makaka-touch din sa puso ng mga manonood, ito rin ang bagay at sila lang ang makapagbibigay niyon,” muling tugon ni Volta. ”At siyempre ‘yung kilig din dahil very close talaga sila sa totoong buhay. Kaya alam natin na ‘yung kilig na hinihanap natin eh sila ang makapagbibigay niyon.”

Ang pelikula’y ukol sa kung paano mailalabas ang kagandahan ng isang tao hindi lamang sa pampisikal na anyo, kundi ang kagandang loob na siyang makapagpapasaya sa tao.

Bida rin sa pelikulang ito sina Heaven Peralejo, Mark Neuman, Carmi Martin, Bodjie Pascua, Donna Liza Salvador Cariaga, Joe Vargas, Lou Veloso, at Soliman Cruz. May special participation dito si Arci Munoz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …