Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Galante pala si PAGCOR Chair Didi Domingo

UY, may discrepancy sa kuwentada ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa  share ng national government kaya nagkaroon ng under remittance sa Bureau of Treasury na umabot sa P21.186 bilyones sa loob ng pitong taon.

Ayon mismo ‘yan sa pinakahuling ulat ng Commission on Audit.

Kinuwenta umano ng PAGCOR ang mandated national government na 50 porsiyento mula sa earnings ng gaming operations at hindi sa “aggregate gross earning” gaya ng isinasaad sa batas.

Base sa Section 12 ng Presidential Decree 1869, ang national government ay may 50 percent share sa “aggregate gross earnings” ng PAGCOR na ilalaan sa in­frastructure and socio-civic projects gaya ng flood control and sewerage improvement, medical and nutrition missions at iba pang livelihood programs.

Bukod sa maling kuwentada na nagresulta sa pagkalugi ng national government ng P21.186 bilyones, nabisto rin ng COA ang unauthorized allowances, cash grants, at gold rings na ipi­nagkaloob bilang pabuya sa mga empleyado.

Ayon sa COA, noong isang taon lamang (2017), nagkaloob ang PAGCOR ng “loyalty cash awards” na umabot sa P12.495 milyones sa kanilang mga opisyal at empleyado na nakatapos ng lima, 10, 15 at 20 taon sa serbisyo na may kasama pang 18-karat gold memento rings na umabot sa P13.02 mil­yones, sa mga empleyadong 20 taon na sa serbisyo.

Wattafak!

Napakagalante naman pala ni PAGCOR Chair Didi Domingo.

Kahit na nga sinabi ng COA na ang nasa­bing pabuya sa mga opisyal at empleyado ay, “in excess of the amount allowed in COA Circular No. 2013-003A dated September 18, 2013.”

Hindi lang ‘yan, napuna rin ng COA ang P643,000 na ipinagkaloob sa PAGCOR officers and employees na nakaabot sa 2017 Circle of Extra-Ordinaire o CEO Awards.

Labag umano ito sa CSC Memorandum Circular No. 01, s. 2001, “All government agencies shall submit their Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) and its subsequent amendments to the Civil Service Regional Office” for review and approval.

Bukod pa riyan ang P58.334 milyones sa Representation and Transportation Al­lowance para sa PAGCOR officials, “in excess of what was allowed under Section 54 of the General Appropriations Act (GAA) of 2017.”

Higit sa lahat, ang mga nakinabang rito ay mga opisyal na nag-avail ng car plan sa PAGCOR.

Ayon sa COA ang car plan na umabot sa P125.954 milyones at housing benefits na umabot sa P121.289 milyon ay ipinagkaloob sa PAGCOR officials noong 2016 at 2017, “without clear and express Pre­sidential approval but were based only on the approved Resolution of the [Pagcor] Board of Directors (BOD).”

Kaya marami ang nagkakandarapang makapasok sa PAGCOR dahil sa laki ng incentives na ipinagkakaloob sa kanila pero ang mapapalad na nakapapasok lang ay ‘yung may mabibigat na backer at mala­lapit sa kusina.

Tama ba, Madam Twinkle?!

Ang tanong, deserving naman kaya ang mga nakatanggap ng mga pabuyang ‘yan?!

PALUSOT
‘este PALIWANAG
NG PAGCOR

SA gitna ng kontrobersiya, naglabas ng pahayag ang PAGCOR.

Itinanggi ng PAGCOR ang alegasyong kulang ang ibinibigay nilang dividendo sa Bureau of the Treasury (BTr).

Itinigil na rin umano nila ang pagbibigay ng 18-karat gold memento rings at cash awards sa 20-year loyalty awardees mula 2016 sa ilalim ng bagong PAGCOR Chairperson and chief executive of­ficer Didi Domingo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *