Monday , December 23 2024

‘Magna Carta’ ng PTFoMS ibinasura ng NUJP

KAILANGAN magkaisa ang buong sektor ng media upang hadlangan ang plano ng Presidential Task Force on Media Security na sagkaan ang kala­yaan sa pamamahayag sa Filipi­nas.

Inihayag ito ng National Union of Journa­lists of the Philippines (NUJP) kasabay ng pagbasura sa panukala ni PTFoMS chief Joel Egco na Magna Carta for Media Workers na may layunin umano na i-regulate ang media profession.

“National Union of Journalists of the Philip­pines rejects outright the proposal of the Pre­sidential Task Force on Media Security to regulate the profession in the guise of a ‘Magna Carta’ and urge all colleagues as well as media owners to unite in opposing this clear threat to freedom of the press and of expression,” anang kalatas ng NUJP.

Binigyan-diin ng NUJP, hindi nila pahi­hintulutan ang gobyerno kailanman na bigyan ng oportunidad na maki­alam sa anomang paraan sa propesyon na nag­sisilbing “watchdog” ng publiko laban sa mga opisyal na mapang-abuso o maglalagay sa panganib sa kalayaan sa pama­mahayag at sagradong kalayaan ng mamamayan na alamin ang mga kaganapan.

“We cannot allow government – this or any other – the opportunity to meddle in any way not only in the profession that serves as the people’s watchdog against official abuse but in any other matter that may endanger freedom of the press and of expression, and the people’s sacred right to know,” sabi ng NUJP.

Balak ni Egco, ang mga nais maging mama­mahayag sa bansa ay kailangan sumailalim sa pagsusulit tuwing anim na buwan upang mala­man ang antas ng kan­yang kuwalipikasyon na pagbabatayan ng kan­yang sahod.

Anang NUJP, ang magna carta ni Egco ay panghihimasok ng gob­yerno sa propesyon ng pamamahayag na ang tuntungan ay kalayaan.

Giit ng NUJP, ang journalism ay ekstensiyon ng freedom of expression at nagsisilbing sagradong karapatan ng mga ma­ma­mayan sa imporma­s-yong kanilang kailangan sa pagpapasya sa buhay.

“We maintain that journalism is an extension of freedom of expression and serves the people’s sacrosanct right to the information they need to make decisions about their individual and collective lives,” pahayag ng NUJP.

Ang Magna Carta, anang NUJP, ay sasaklaw sa mga karapatan ng media owners at man­a-gers sa pagdedesisyon kung sino ang kukuning kawani.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *