Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte

READ: Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo

READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi

AMINADO si Roque na hindi kayang pigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpa­pali­ban ng 2019 midterm election kapag idinaan ito sa people’s initiative.

Aniya, bagama’t hin­di kursunada ng Pangulo ang no-el scenario, wala siyang magagawa kung daraanin ito sa people’s initiative.

“Pero kung people’s initiative kasi iyan, siguro iyan ‘yung sagot din ng liderato ng Kamara doon sa posisyon ni Presidente na he will not have any hand in it. E kapag people’s initiative na iyan, ano pa ang magagawa mo kung nanggaling na iyan sa taong bayan, ‘di ba?” sabi ni Roque.

Ikinuwento ni Roque na sa naging pag-uusap nila ng Pangulo hinggil sa no-el scenario na ikina­kasa ng Mababang Kapulungan para sa Cha-cha, tiniyak ng Punong Ehekutibo na hindi siya pabor sa hakbang.

Ang kursunada aniya ng Pangulo ay isabay sa 2019 midterm election ang referendum para sa Federal Constitution.

“Ito po napag-usapan talaga namin ni Presi­dente. I will quote the President, “I will not have any hand in that.” Tala­gang hindi po siya payag sa no-el para lamang sa Charter Change. So unang-una, we would like to inform the people, iyan po ang posisyon ng Presidente, I will not have any hand in no-el. Nani­niwala po siya sa demo­krasya, naniniwala siya sa eleksiyon at ang nais niya isabay na nga itong referendum sa eleksiyon. So iyon po ang posisyon ng ating Presidente diyan,” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …