Monday , December 23 2024

Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo

READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi

READ: Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte

ITINUTURING ng Pala­syo na isang malaking hamon sa administrasyon ang pagbubuklod ng oposisyon at mga maka-kaliwang grupo na nana­nawagan sa pagpapa­talsik kay Pangu­long Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga isyung pinagkasunduan dalhin nang nabuong alyansa kontra-Duterte, ang pagtutol sa isinu­sulong na Charter Change at pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa federa­lismo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batid ng Malacañang na kailangan ang ibayong pagsusumikap upang ipabatid sa taong bayan ang kahalagahan nang pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Well, sa amin po, we are dealing with the challenge squarely. Alam po namin na dapat mag-double time as far as dissemination is con­cerned. Iyong surveys po na nagsasabi na kara­mihan ayaw mag-charter change ay dahil kara­mihan ng Filipino hindi nalalaman o walang alam na sapat pagdating sa charter change,” ani Roque.

Kailangan din ani­yang ipaalam nang husto sa publiko ang mga benepisyo ng federalismo lalo sa mga lokal na pamahalaan.

“We are accepting the challenge to improve on dissemination, discuss the issue on why we need to effect the change to federalism at kung ano iyong mga benepisyo lalong-lalo sa mga lokal na pamahalaan ‘no kapag tayo po ay nagkaroon ng charter change. So sa amin po, we accept the chal­lenge,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *