Monday , May 5 2025

PH major problems ilalahad sa 3rd SoNA ni Duterte

READ: 7K pulis ikakasa sa SONA

TATALAKAYIN ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang mga pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Sinabi ni Special As­sistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, ilalahad ni Pa­ngulong Duterte ang kina­kaharap na mga pangu­nahing suliranin ng Filipi­nas at hindi lang accom­plishments sa ikalawang taon ng kanyang admi­nistrasyon.

Inihalimbawa ni Go sa mga usapin na tatalakyin ng Pangulo sa SONA ang inflation, employment at criminality.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na nangako si Pangulong Duterte na babasahin sa kanyang SONA ang ini­han­dang speech niya na tatagal nang 35 minuto.

Sa kanyang unang SONA noong 2016, tuma­gal nang isang oras at 40 minuto, habang ang ika­lawang SONA noong 2017 ay umabot nang ma­higit dalawang oras.

Sa kanyang ikalawang SONA ay pinuntahan ni Duterte ang anti-SONA rally sa labas ng Batasan Complex at nagdaos ng press conference.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

PNP PRO3 Central Luzon Police

PNP Gitnang Luzon full alert na para sa 12 May elections

ALINSUNOD sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) Headquarters, isinailalim na sa full alert status …

Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *