Isa namang Pinay singer-recording artist ang matagal nang pinagkakaguluhan sa Osaka, Japan sa kanyang mga reguar gig na ang crowd ay iba’t ibang lahi. Siya ay si Mika Lorie, na five years na’ng show entertainer at nakagawa ng dalawang single na “Distant Star” at “Dream” sa LSR Star Records at Winglows Music Japan.
Mas sumikat ang name ni Mika dahil sa dalawang single na ini-release na parehong very catchy ang lyrics at melody pero kung siya raw ang tatanungin ay gusto rin ni Mika na makagawa siya ng CD Lite album sa Filipinas na susuportahan ng kanyang mga kababayan. At malakas ang vibes namin na magtatagumpay rito ang bagong pini-PR naming Diva. Puwede n’yo palang mabili at i-upload ang Distant Star at Dream sa iTunes,
Apple Music, LINE Music, KKbox, Amazon Music, AWA play music, Spotify, at SHAZAM.
Samantala naging former singer din ng famous na Budweiser Carnival sa Juso, Osaka si Mika at dati rin naging radio personality sa Kansai Radio 558 KHZ (Yuruyuruyoyuro Radio Station). Nagpe-perform siya nang live sa Billboard Umeda sa Osaka at mga event na nakasama niya sa mga concert sina April Boy Regino, Aegis at marami pang iba.
Ang event at concert organizer na si Mr. Pierre Ellis pala ang nagha-handle ng career ni Mika at going to one year na ang samahan nilang bilang talent and manager.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma