Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan

READ: Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

INAASAHAN ng Pala­syo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na pangungunahan ang opo­sisyon laban sa adminis­trasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakagugulat na si Robredo ang mamuno sa oposisyon dahil siya ang pinakamataas na elected member sa kanilang hanay.

“Vice President Leni Robredo’s decision to lead the opposition movement against the Duterte administration is hardly surprising. After all, she is the highest elected mem­ber of the opposition,” ani Roque.

Naniniwala aniya ang Malacañang na ang aktibong oposisyon ay may mahalagang papel sa isang masigla at umiiral na demokrasya.

Umaasa aniya ang Palasyo na ang kilusang oposisyon ay mag-aalok ng mga alternatibong plataporma ng gobyerno upang malutas ang mga suliranin ng bayan at hindi panay debate lang.

“We expect that the opposition movement would not only promote responsible and con­s-tructive debate to push the national conversation to a higher level of political maturity but also present to our people a viable alternative platform of government to address the longstanding problems of the nation. Our people deserve no less,” ani Roque.

Kinompirma kahapon ni Robredo, tinanggap na niya ang panawagan ng ilang mga grupo para pangunahan niya ang mga pagsusumikap na pagbuklurin at magtatag nang malawak na kilusan na bubuuin ng mga pang­kat na kontra-Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …