NILINAW ni Coco Martin na hindi na siya ang magdidirehe ng Popoy En Jack: Puliscredibles, ang pelikulang pagsasamahan nila ni Vic Sotto na entry sa Metro Manila Film Festival 2018.
Nakalagay kasi ang tunay na pangalan ni Coco na Rodel Nacianceno bilang direktor ng Popoy En Jack: Puliscredibles kaya natanong namin ang aktor kung ano ang pakiramdam na siya ang magdidirehe kay Vic.
“Hindi muna ngayon, si direk Mike Tuviera na, kasi nagdidirehe rin ako ng ‘Probinsyano,’ mahihirapan ako pero ako pa rin ang creative,” mabilis na sabi ng aktor.
Ikinuwento ni Coco na noong nakipag-meeting siya kay bossing Vic ay sobrang saya niya dahil pumayag na magsama sila at mag-collaborate dahil pangarap niya talagang makatrabaho ang TV host/comedian noon pa.
“Masaya kasi talagang pangarap kong makatrababo si bossing, una natatakot ako baka hindi niya tanggapin ‘yung proyektong inalok ko sa kanya na mag-partner kami, and then finally pumayag siya tapos nag- meeting kami and then after that sabi ko sana makapasok kami sa Metro Manila Film Festival kasi concept ko ‘yung ibinigay namin.
“So ayun, nakapasok naman, masaya kasi nagko-collaborate kami, tulungan talaga kami para ayusin at mapaganda ‘yung pelikula,” kuwento ni Coco.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan