READ: Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019
SA kaniyang pahayag sa ginanap na hand over ceremony sa Palasyo kahapon, sinabi ni ConCom chairman at dating Chief Justice Reynato Puno na ipinagbabawal sa draft constitution ang political dynasties na sa matagal na panahon ay nagmonopolyo sa eleksiyon.
Bawal na rin sa ilalim ng draft constitution ang mga political butterfly o mga politikong palipat-lipat ng partido.
Ayon kay Puno, sa ilalim ng panukalang federal constitution, bawal ang monopolies at oligopolies sa negosyo na karaniwang nagreresulta para abusohin ng ilang negosyante ang kanilang posisyon.
Dahil dito ay magtatatag ng isang independent competition commission na magpapatigil sa ganitong uri ng paghahari-harian ng mayayamang negosyante.
Nakasaad din sa proposed federal constitution na palalakasin ang mga institusyon ng gobyerno na labanan ang graft and corruption.
Gagawing commission-type office ang tanggapan ng Ombudsman para mag-imbestiga at mag-prosecute sa mga lumalabag sa anti graft laws.
Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang Commission on Audit na makapagsagawa ng pre-audit at performance audit para matiyak na nagagamit nang maayos ang pera ng taongbayan alinsunod sa batas.
Binigyang-diin ni Puno na makamahirap ang draft constitution dahil kasali sa Bill of Rights ng mga Filipino, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, ang sapat na pagkain, comprehensive health care, complete education, sapat at disenteng housing at livelihood at employment opportunities. Sa huli, sinabi ni Puno, sa ilalim ng draft constitution, magtatatag ng isang permanenteng bansa dahil kikilalanin nito ang kultura, relihiyon, customs, traditions, lenguahe at kakaibang katangian ng ating mga kapatid sa Cordillera at Bangsamoro.
(ROSE NOVENARIO)