Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Judy Ann Santos balik teleserye sa pagbibidahang “Starla”

TAONG 2013 pa ang huling teleserye ng “Queen of Soap Opera” na si Judy Ann Santos, sa ABS-CBN ar Dreamscape Entertainment at this year ay balik teleserye si Juday sa pagbibidahang “Starla” sa ilalim ng direksyon ni Direk Onat Diaz.

Nag-start na ang taping ng Starla at bago para kay Judy Ann ang gagampanang character na maikli ang hair at laging naka-executive ang attire.

Ilan sa makakasama ng mahusay na actress ay sina Joem Bascon, Kathleen Hermosa, Anna Luna, Meryll Soriano, Gabe Mercado, Simon Ibarra, Bodjie Pascua, Joel Saracho, Janus del Prado, and Joel Torre.

Sa kanyang official Facebook account ay may post ang Kapamilya actress (Santos) na kung kaano-ano raw ba ni Krystala itong si Starla?

Si Juday rin ang bida noon sa Krystala na umere sa ABS-CBN2 noong 2004. Samantala hindi pa man ipinalalabas ang Starla ay nagkaroon na agad ng intriga na ito raw ang ipapalit ng Dreamscape Entertainment sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Agad na pinabulaanan ng head ng ABS-CBN Corporate Communications na si Sir Kane Erol Choa ang said issue, na wala pang balak ang management na tapusin ang action-drama series ni Coco Martin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …