HINDI mapasusubalian ang katotohanang lantaran ang pagkagusto nina Pangulong Digong Duterte at Senator Manny Pacquiao sa isa’t isa. Bukod kasi sa pagtiket ni Manny sa partido ni Digong noong 2026 elections, lahat ng mga programa ng Presidente ay suportado’t sinasang-ayunan ng Pambansang Kamao.
Sa parte naman ni Digong, hindi nga ba’t ilang buwan lang ang nakararaan noong ipahayag niyang si Manny ang napupusuan niyang maging susunod na Pangulo?
Nagtataka lang kami sa malinaw na pananahimik ni Pacman sa kontrobersiyal na isyu ng pang-iinsulto ni Digong sa Diyos at pananampalataya ng mga Katoliko.
Bagama’t ang Catholic ay isa sa maraming religious denomination sa bansa (at maging sa ibang panig ng mundo), maliwanag naman na iisang Diyos lang ang pinaniniwalaan ng kinaaanibang spiritual community ni Manny.
Pero sa kabila nito, bakit tikom ang bibig ni Manny sa binitiwang salita ni Digong? Hindi nga ba’t sa mga sesyon sa Senado’y laging may reference si Manny ng mga kawikaang halaw sa Biblia?
Ang tingin pa nga ng iba sa kanya’y OA sa pagiging preachy, pero bakit ang ka-OA-n na ‘yon ay hindi nararamdaman mula sa isang taong dapat ay salungat sa paniniwala ng kanyang inihalal na Presidente?
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III