Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglaya ni Bong, inaabangan

ISANG araw lang naiulat pero hindi na nasundan.

Ang tinutukoy namin ay ang balita kamakailan sa lumabas na selfie ni dating Senator Bong Revilla sa loob mismo ng PNP Custodial Center sa Camp Crame. Kalakip ng litratong ‘yon ang kanyang pagsisintir dahil sa kanyang pagkakapiit sa loob ng apat na taon.

Earlier, naiulat na nitong buwan daw ng June makalalaya ang mambabatas na pinapa­nagot sa kasong plunder o pndarambong. Anong petsa na?

Pero ayon sa kampo ni Bong, lumang photo ‘yon. At hindi sila ang nag-upload niyon na nag-viral sa social media.

Pero paano nila maipaliliwanag ang kalakip na caption ng larawan, luma bang matatawag ‘yon?

Ang sabi, iimbestigahan ang kaso na posibleng may nakapagpuslit ng gadget na mahigpit na ipinagbabawal sa bilangguan.

Anong petsa na rin ngayon as we write this? Bakit tila ang bagal ng dapat sana’y agarang imbestigasyon? Dahil ba kung sakaling mapatunayang hindi luma kundi recent ang selfie na ‘yon, malamang ba na mauunsiyami pa ang paglaya ni Bong?

Pero kung hindi man natuloy ang kanyang release from jail nitong June, possible kayang bago sumapit ang buwan ng Oktubre?

Remember na sa buwan na ‘yon ang filing ng COC para sa mga tatakbo sa 2019 mid-term elections. Teka, may balak bang tumakbo si Bong to begin with?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …