Sunday , April 27 2025

Duterte ‘di kapit-tuko sa Palasyo

WALANG ambisyon si Pangulong Rodrigo Du­terte na mangunyapit sa Palasyo at kumpasan ang kanyang mga al­yado sa Kongreso na magsulong ng batas para mapalawig ang kanyang termino.

Ito ang inihayag kahapon ni Special As­sistant to the President SAP Christopher ¨Bong¨ Go sa paggunita sa ika­lawang anibersaryo ng administrasyong Du­terte.

¨We don’t have ambitions of clinging to power, neither will we push for laws that would result to such,” aniya.

Ani Go, isang malinis na gobyerno ang sa tuwina’y nais ng Pangulo at napatunayan niya ito sa ilang beses na pagsibak sa mga opisyal na malapit sa kanya.

“The president will always want a clean and graft-free government and he has proven this many times by firing officials he appointed,” sabi ni Go.

Marami aniyang pro­yektong pang-impra­es­truk­tura at programang pangkabuhayan, mga batas na nilagdaan at ipinatupad sa loob ng dalawang taon ng admi­nistrasyon.

Dagdag niya, libre ang edukasyon mula kinder hanggang kole­hiyo at may mga dagdag na programang pangka­lusugan ang tinatamasa ng mahihirap mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Duterte.

“This is a testament of what President Duterte clearly wants for the country and for the Filipinos,” giit ni Go.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *