Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin hanggang 2019 pa sa ere,

Sa September 28, ay tatlong taon na bale sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ng sikat na actor-director na si Coco Martin. And as we heard sa sobrang taas pa rin ng rating ng action-drama series at ito pa rin ang number show sa buong bansa ay kapag wala pang nakita na pwedeng ipalit rito ay abutin pa sila hanggang February 2019. Kahit may mga nagsasabing dapat ng wakasan ang show, kasama na si Coco ay gustong na ring pagpahingahin ang kanyang serye ay mukhang malabong mangyari dahil ayaw rin silang bitawan ng mga advertiser at ng mga TV viewers na hindi kumpleto ang gabi na hindi ito napapanood. Lalo na ngayong ang laki ng casting ng Ang Probinsyano, sa sanib pwersa ng mga tagahanga ng bawat artista ay hindi nga kapatay-patay ang serye. Saka magpapa­tuloy ang “good karma” ni Coco na binibigyan ng trabaho ang mga kapwa actor na hindi na nabibigyan ng proyekto ng iba na ang pinaka-latest ay itong si Whitney Tyson na napabalitang nakatira na lang sa ilalim ng tulay at kakapiranggot na kita sa page-guest sa fiesta ang ikinabubuhay. Ngayong binigyan siya uli ng panibagong break ni Coco ay pwede uling makabawi ang dating popular na komedyana noong dekada 90. Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN2 Primetime Bida. Excited na pala si Direk Coco o Rodel Nacianceno sa MMFF entry movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Popoy en Jack, The Puliscredibles,” na kanyang ididirek at matunog na si Maine Mendoza raw ang magiging leading-leady ni Coco sa nasabing film.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …