Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Female manager, ultimo paper clip, sinisingil sa mga alaga

HINDI naman pala kataka-taka kung marami na sa mga hawak na artista ng female manager ang isa-isang nangawala sa kanyang poder.

Bagama’t nakakakuha naman daw siya ng mga raket para sa mga alaga niya, pagdating daw sa higpit nito sa datung ay ‘yun ang ‘di ma-take ng mga kinakaltasan niya ng komisyon.

Sey ng aming source, “Naku, ultimo paper clip, folder, sobre at kung anik-anik na office supplies, eh, dine-deduct niya sa komi ng mga alaga niya! Pati ba naman ‘yon? Wala siyang patawad, eh, gasino lang naman ‘yon, ‘no! At saka mayroon siyang talent management office, natural lang na kasama dapat ‘yon sa operational expenses, ‘di ba? Ang tindi talaga niya!”

Lingid sa kaalaman ng manager ay lihim siyang topic ng mga alaga niya, “Kaya nagising na lang siya isang araw, eh, isa-isa nang nagbababu ang mga talent niya!” Da who ang female manager na itey? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Nellie Pangalatok.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …