Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte may ‘gag order’ sa speech

READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan

READ: Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon

READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo

MANANAHIMIK muna si Pangu­long Rodrigo Duterte sa pagbatikos sa mga pari at Simbahang Katolika.

Ito ang ‘gag order’ na tila inamin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Panglao, Bohol sa 25th National Convention ng Vice Mayors League of the Philippines kahapon.

Tinukoy ng Pangulo ang paborito niyang basahin na bersikulo sa Biblia halos araw-araw na pamantayan niya sa pansamantalang panana­himik, ang Ecclesiastes 3: “For every season there is always a time under the sun. There’s a time to be calm, there’s a time to be silent, there’s a time to be poignant, a time to be subdued, and a time to be vicious.”

“I will just keep my silence for I want to see how the nation reacts,” aniya.

May ‘nota bene’ ani­yang nakasulat sa kanyang prepared speech na nagpaalala sa kanya na huwag siyang magmu­ra at maghanap ng away sa mga pari.

“Sabi dito, ‘Mr. President, we are live on TV and on Facebook. Huwag kang magmura. Huwag kang maghanap ng away sa mga pari,’” anang Pangulo.

Sabi ng Pangulo, naging ugali na niya ang magsalita ng kung ano-ano upang subukan ang magiging reaksiyon ng publiko.

“And for now, I will just keep my silence for I want to see how the nation reacts. Kumbaga I’m shaking the tree. If you would notice me every now and then, either national or local, ginugulo ko talaga ‘yung puno,” paliwanag niya.

Umani nang pagbati­kos ang sunod-sunod na kritisismo ni Duterte sa mga pari, Simbahang Katolika at pagtawag niyang estu­pido sa Diyos.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …