Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Carlo, masigla na naman, umaasiste sa anak na direktor

NAGBUBUNYI ang showbiz sa balitang nanumbalik na ang sigla ni direk Carlo J. Caparas sa pagtatrabaho.

Nagsisilbing assistant director (AD) si direk Carlo J sa pagdidirehe ng kanilang anak ng pumanaw na kabiyak na si Tita Donna Villa na si Peach.

Debut movie kasi ng 25-anyos nilang anak—na nagtapos ng kursong Political Science—ang The Chiong Sisters Case sa kinasangkutan nilang gangrape at pagkakapaslang. Tubong-Cebu ang pamilya Chiong, ang native province rin ni Tita Donna.

Kilalang ang tatak-Carlo J ay ang mga pelikulang may temang masaker. At muli itong bumabalik sa pamamagitan ng pagdidirehe ni Peach na katuwang ang kanyang ama.

Masaya kami kahit ‘ika nga’y umaasiste lang si direk Carlo. Senyales kasi ito na handa na niyang haraping muli ang pagtatrabaho na pinili niyang talikuran nang pumanaw si Tita Donna noong January 2017.

Kabilang sa mga crime movies na idinirehe niya noon na halaw sa mga celebrated cases ay ang Vizconde Massacre (na Parts 1 and 2), Myrna Diones StoryDelia Maga Story, among others.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …