Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hostage taker tigbak sa parak

PATAY ang isang hostage taker makaraan barilin ng nagrespondeng mga pulis makaraan pagsasaksakin ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya sa Parañaque City, kahapon ng hapon.

Isinugod sa Paraña­que Community Hospital ang tatlong biktima na sina Roma Tubania, live-in-partner ng suspek; Rose Ann Dela Cruz, hipag, at Jerwin Ursal, 16, pa­mangkin, nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang ka­tawan.

Habang dinala sa Ospital ng Parañaque ang hostage taker na kinila­lang si Celso Hernandez, na tinamaan ng bala sa bahaging kanan ng mukha ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, nasagip nang nagrespondeng mga operatiba ng Police Com­munity Precinct 4 (PCP-4) ang dalawang menor de edad na sina Kate Russell, isang taon gu­lang; at Ody Tubania, 3-anyos, mga anak ng suspek.

Ayon kay S/Insp. Jerry Sunga, nangyari ang hostage drama sa Lim Compound, Brgy. San Dionisio, Parañaque City dakong 4:30 ng hapon.

Nauna rito, naka­tanggap ng tawag ang PCP-4 mula sa Barangay Hall ng San Dionisio na may nagaganap na kaguluhan sa loob ng Lim compound, sinasabing ini-hostage ng isang lalaki ang kanyang pamilya.

Dali-daling nagres­ponde ang mga tauhan ng PCP-4 at Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Parañaque City Police sa nasabing lugar.

Nadatnan nilang duguan na ang kinaka­sama ng suspek na si Roma, ang kapatid na si Rose Ann, at ang pa­mang­kin na si Jerwin, pawang may mga saksak kanilang katawan.

Nakipagnegosasyon ang mga awtoridad sa suspek ngunit binabale­wala niya.

Aktong sasaksakin din ng suspek ang dalawa niyang anak na menor de edad kaya pinaputukan siya ng mga miyembro ng SWAT.

Nailigtas ng mga pu­lis ang dalawang bata at dinala sa nasabing paga­mutan.

Inaalam ng mga aw­to­ridad ang motibo kung bakit ini-hostage ng sus­pek ang kanyang pamilya at kung nasa implu­wensiya siya ng ilegal na droga nang mangyari ang insidente.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …