Thursday , April 24 2025

Sundalo absuwelto kay Duterte

ISASAMA ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang mga sundalong sangkot sa mis­encounter kama­kalawa, sa burol ng  napatay na mga pulis sa Sta. Rita, Samar.

Sa kanyang talumpati kaha­pon sa Zamboanga, inihayag ng Pangulo na hindi sinasadya ang insidente at walang may kagustuhan na mangyari.

“Kita mo ‘yung kahapon, ‘yung misencounter, nobody wants it. Actually what happens there is the Murphy’s Law, if anything can go wrong, it will go wrong just like the misencounter,” aniya.

Kakausapin ng Pangulo ang mga sundalong sangkot sa misencounter para sumama sa kanyang pagbisita sa mga napatay at nasugatang mga pulis upang maipakita ang “cama­rederie.”

Napaslang sa mis­encoun­ter ang anim na pulis nang tamba­ngan ng mga miyembro ng 87th Infantry Battalion ang 1st Platoon, 805th Company, Re­gional Mobile Force Bat­talion 8, dakong 9:20 ng umaga sa Sitio Lonoy, Brgy. San Roque, Sta. Rita, Samar kama­kalawa.

Napaghinalaan umano ng mga sundalo na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga pulis kaya pinaputukan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *