Sunday , December 22 2024

Alvarez masisibak

ANG kumukulong ba­lita sa pagpapatalsik kay House Speaker Pan­taleon Alvarez ay mag­dedepende kay Pangu­long Rodrigo “Digong” Duterte ayon sa isang mataas na Kongresista sa oposisyon.

Ayon kay Quezon City Rep. Bolet Banal, sa kabila ng pagkades­maya ng ibang kongre­sis­ta kay Alvarez, si Duterte pa rin ang may huling pasya sa isyu.

“Nothing will hap­pen without the pre­sident’s go signal,” ani Banal.

Para kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, muk­hang nagrerebelde na ang mga grupong may galit kay Alvarez.

“Nagrerebelde na yata ang PDP LABAN Pimentel group. Coupled with the bloc of (Minority Leader) Danny Suarez who have been grumbling plus those who were punished in previous votes, medyo may pru­pong mayroong gripes,” paliwanag ni Baguilat.

Gayonman, sinabi ni Baguilat na ‘walang nu­mero’ ang mga grupo pa­ra paalisin si Alvarez.

“Yes walang numbers to oust,” ani Baguilat, ang lider ng Magnificent 7, isang paksiyon ng minorya sa Kamara.

“Basta kami sa Mag 7 and even sa Liberal, mga curious but neutral on­lookers,” dagdag ni Ba­gui­lat.

Ang tsismis na kuma­kalat sa Kamara, ang na­sa likod daw ng pagpa­patalsik kay Alvarez ay sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., na nakaaway ni Alvarez dahil sa babae.

Sa panig ng admi­nistrasyon, sinabi ni Parañaque Rep. Gus Tambunting, hindi mati­tinag ang pamumuno ni Alvarez.

“The majority in the House of Representa­tives remains fully be­hind Speaker Alvarez. PDP Laban will conti­nue fighting for the Filipino people. There is no basis behind these rumors,” ani Tambun­ting.

Sinabi ng taga­pagsalita ni Duterte, ang pamumuno ng Kamara ay magdedepende sa mga myembro nito.

Si Pangulong Duter­te umano ay nakapag­tatrabaho kahit kanino.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *