Sunday , December 22 2024
dead prison

Buhay ng tambay dapat bigyan ng saysay — Solons

HINDI papayag ang mga kongresista na mawalan ng saysay ang buhay ni Genesis “Tisoy” Argon­cillo dahil sa isang pulis operation laban sa mga istambay na itinuring na ilegal ng kasalukuyang awtoridad.

Ayon sa mga kongre­sista dapat malaman ng madla ang tunay na kalagayan ng pagka­matay ni Tisoy.

Sa ulat, sinabing si Tisoy ay nagpunta sa tindahan para magpa-load sa kanyang cellphone nang hulihin ng mga pulis sa Quezon City.

Kasama sa mga naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc na sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, Alliance of Concerned Teachers (ACT) Reps. Antonio Tiñio at France Castro, Kabataan Rep. Sarah Elago at Anak­pawis Rep. Ariel Casilao.

“Kailangan ng hustisya para sa walang say­say na pagkamatay ni Genesis Argoncillo mata­pos arestohin at ma-detain sa kamay ng pulis ng Quezon City alin­sunod sa anti-tambay campaign ni Pangulong [Rodrigo] Duterte,” ani Tiñio.

Ayon kay Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte, ang kina­tawan sa distrito ni Tisoy sa Novaliches, dapat maimbestigahan ang pag-aresto sa mga tam­bay.

“Nakikiramay ako sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Tisoy Argoncillo. Bilang kanyang kinata­wan, personal ang aking pagluluksa sa kanyang walang-saysay na pagka­matay,” ani Belmonte.

Dinampot si Argon­cil­lo dahil umano sa “alarm and scandal” sa pa­ligid niya sa Nova­liches.

Si Tisoy, edad 25 anyos, ay namatay sa loob ng selda sa Police Station 4, sa Novaliches.

Kinakitaan ng mga tama ng bala sa leeg, ulo, dibdib at mga braso.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *