Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nag-iisang Pinoy na pasok sa Final 5 ng 100 Ultimate Asian Heartthrob of 2018!

TANGING ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang pasok sa Final 5 ng 100 Ultimate Asian Heartthrobs of 2018.

Sa huling bilangan (sa pamamagitan ng boto sa mga social media accounts—Twitter, Instagram, at Facebook), humamig na si Kim Taehyung ng South Korea, ng 43.39% na boto, o may katumbas na 30,018 boto. Kalaban din ni Daniel sina Suradet Piniwat ng Thailand,  Timmy Xu ng China, at Mark Tuan ng Taiwan.

Noong June 20 (12 noon) nagsimula ang botohan at nagtapos kahapon, June 25 (11:59 a.m.), at agad nga nilang inanunsiyo ang nanalo.

Habang isinusulat ito, si Kim ang nangunguna sa botohan sa pakontes, pumangalawa si Piniwat na humamig ng 21.9% o may katumbas na boto na 15,148 boto. Pangatlo naman si  Tuan na may 16.42% o may katumbas na boto na 11,360 boto.

Pang-apat naman si Xu na may 15.06% o 10, 415 votes habang Panglima ang pambato ng Pilipinas na si Daniel na may 3.23% o katumbas na boto na 2,236 votes.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …