Friday , April 25 2025
dead prison

Mass arrest sa tambay bubusisiin ng Kongreso

PAIIIMBESTIGAHAN ng Bayan Muna party-list ang malawakang pagda­kip ng pulisya sa mga ‘tambay’ maging ang pagkamatay ng isang inaresto sa kustodiya ng Novaliches Police Station 4.

Kinondena nina Ba­yan Muna Rep. Carlos Zarate at Party chairman Neri Colmenares ang pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy, na dinakip ng mga pulis-Quezon City noong Biyer­nes ngunit makalipas ang apat na araw ay idine­klarang dead on arrival sa Novaliches District Hospital.

“He certainly does not deserve to be arrested or killed for sitting near his house,” ani Zarate.

Si Tisoy ay inaresto ng mga pulis dahil umano sa pagwawala.

Ngunit ayon sa may-ari ng sari-sari store kung saan siya dinakip, nagpa-load si Tisoy at hinihintay na pumasok ang load sa kanyang cellphone nang biglang dumating ang mga pulis , ipinahawak sa kanya ang mga bote ng beer, kinuhaan ng retrato at ginamit na ebidensiya laban sa kanya.

Ayon sa mga kaanak ni Tisoy, bugbog-sarado at namamaga ang kata­wan niya nang makita ang bangkay sa ospital.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, tiniyak ni Presidential Spokes­man Harry Roque, perso­nal niyang kakau­sapin si PNP chief, Director General Oscar Albayalde para tutukan ang kaso ni Tisoy gaya nang nangyari sa kaso ng pagpatay kay Fr. Richmond Nilo sa Nueva Ecija.

Sa ulat ng Quezon City Police District sa Malacañang,  aalamin ang puno’t dulo ng insi­dente, magsasagawa ng awtopsiya sa bangkay ni Tisoy at kapag napatu­nayan na pinatay siya sa bugbog, parurusahan ang mga pulis na mapa­tutunayang sangkot.

“To get to the bottom of the matter, and render justice where it is due, we are conducting a thorough investigation, including an autopsy if the Argoncillo family allows it, to determine the real cause of death. Should violence be esta­blished as the cause of death, we will investigate everyone involved, including the police officers on duty, until the truth comes out, and then prosecute the guilty to the full extent of the law. Should any police be involved, we assure the public and the family of the deceased of full transparency,” sabi sa report ng QCPD.

  (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *