Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miyembro ng basag kotse gang tiklo sa akto

NATIYEMPOHAN ng mga alagad ng batas habang binabasag ang salamin ng isang naka­paradang kotse ang isang miyembro ng Basag Kotse gang sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi nakapalag nang arestohin ng mga awto­ridad ang suspek na si Robert Adriano, 26, resi­dente sa Brgy. 254, Zone 23 sa Maynila.

Ayon kay Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, dakong 1:15 am nang mangyari ang insidente sa bahagi ng Dela Rosa St., sa tabi ng Kings Court Building sa Brgy. Pio Del Pilar, ng lungsod.

Naaktohan ng mga awtoridad ang suspek habang binabasag ang salamin ng pulang Toyota Innova na nakaparada sa nasabing lugar.

Sa puntong ito, agad inaresto ang suspek na hindi nakapalag habang hawak ang isang screw driver na ginamit sa pagbasag ng salamin.

Bukod dito, nakom­piska rin sa suspek ang isang balisong, isang plastic sachet ng hinihi­nalang shabu, sling bag at wallet. Ang suspek ay naka­takdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, illegal possession of deadly weapon at robbery.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …