Tuesday , May 6 2025

Trade sec ipakain sa gutom na sikmura

DAPAT ipakain sa mga gutom na Filipino si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Ito ang buwelta ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philip­pines (ALU-TUCP) sa pahayag ni Lopez sa Palasyo kahapon na hindi dapat bigyan ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, kaka­rampot ang sahod ng mga obrero at hindi maka­agapay sa pagtaas ng cost of living kaya’t lulubog nang husto sa kumunoy ng kahirapan ang kanilang mga pamilya kapag hindi dinagdagan ang kanilang suweldo.

Binigyan diin niya, nakalimutan ni Lopez na ang kanyang paglilingkod sa gobyerno ay upang tiyakin ang kapakanan ng mga mamamayan at hindi upang bigyan proteksiyon ang mga kapitalista at employers.

“Mr. Lopez has forgotten that he is working in government to benefit and ensure welfare of the people and protect not just the interest of capitalists and em­ploy­ers,” sabi ni Tanjusay.

Giit ni Tanjusay, kapag naging malawak ang kahirapan sa bansa, si Lopez ang dapat unang ipakain sa mga nagugu­tom.

Sa isang opisyal ng gobyerno na tulad ni Lopez, aniya, magiging mas malala ang kahira­pan.

“When poverty will become massive, there will be anarchy and chaos in the country and Mr. Lopez should be the first to be fed to the hungry. With a public official like Mr. Lopez in government, there will widespread poverty and massive poverty,” ani Tanjusay.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, iniha­yag ni Lopez na mapa­nganib ang pagkakaloob ng umento sa sahod sa mga obrero dahil magre­resulta ito nang paglobo ng presyo ng bilihin at malawakang tanggalan sa trabaho sa hanay ng mga manggagawa.

Para kay Lopez, sapat na ang income tax cut sa mga obrerong sumusu­weldo ng P25,000 pa­baba kada buwan kaya hindi na kailangan ayu­dahan ng gobyerno ang mga manggagawa.

Sa ilalim ng admi­nistrasyong Duterte, dinoble ang sahod ng ilang kawani sa sektor publiko gaya ng mga pulis at sundalo at may­roong commissary na puwede silang bumili ng grocery items sa mas mababang halaga at libre ang pasahe sa MRT at LRT.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Raymond Adrian Salceda

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district 

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na …

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda Marikina

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda

ISANG INA ang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa …

Sara Duterte Abby Binay

Abby Binay kinuyog ng pro-Duterte netizens sa pagbatikos kay VP Sara: ‘No vote idineklara’

KINUYOG ng ilang tila pro-Duterte netizens si Makati Mayor Abby Binay sa social media nang …

050525 Hataw Frontpage

Sa kanyang adbokasiyang pro-barangay  
MARCOLETA SUPORTADO NG BARANGAY LEADERS

NAGPAHAYAG nang buong suporta ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang panig ng …

050525 Hataw Frontpage

Patok si Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

HATAW News Team UMANI ng hiyawan at sigawan si Brian Poe, unang nominado ng FPJ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *