Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ipinaliwanag, tunay na rason kung bakit ‘di pa makabalik-TV

Sa muling pagtuntong ni Kris Aquino sa ABS-CBN para sa grand presscon ng I Love You, Hater, iisa ang tanong sa kanya ng entertainment media, kung may plano na siya uling mapanood sa telebisyon.

Pero bago sinagot ng aktres ang tanong ay ikinuwento muna niya ang naging reaksiyon ng anak niyang si Bimby pagpasok nila sa Kapamilya Network.

Aniya, “Bimb asked me that kanina noong pabalik kami rito (Dolphy Theater) tapos sinabi nga niya na ‘I missed that place so much, mama’ and then sabi ko, we’re only visiting honey, don’t expect anything.”

At saka ipinaliwanag ni Kris ang mga dahilan kung bakit imposibleng makabalik siya sa TV.

“So, ganito na lang kasimple ‘yun.  I know the realities of life and I also know that the franchise is at stake, I’ve been so honest and diretsahan na ‘yan so why would they risk it by giving me a show?  Especially na kahit wala naman kaming isyu ni Presidente (Rodrigo Roa Duterte), hindi naman ako type ng supporters niya so naiintindihan ko kung bakit pero they see me every night if they want to, I’m online and I had 53 brands supporting me and I want to say, thank you to them (brand partners) because I’m also a businesswoman, alam ko naman na hindi ako kukunin for this movie had I not proven myself in digital because the role of a character as they said, Digital Empress.

“So, they wanted that and I was able to give it to them because, I’m the embodiment of that.  Nagawa ko dahil ako ‘yung nauna dahil nga walang choice, kailangan kong gawin but I’d like to say that I was able to do it because big businesses supported me kaya I wanted to say thank you to them kaya lahat ng nandiyan sa likod (supporters) kung walang nagki-click, nagbu-view, at walang nagsi-share hindi ako nakaupo rito ngayon.”

Sagot ng JoshLia at Queen Krissy supporters sa sinabi ni Kris sa kanila, “we love you Kris” with matching hiyawan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …